Humans of Ateneo

Humans of Ateneo is a project of the Sanggunian: Commission on Mental Health that aims to share the different stories of resilience among the Ateneo Loyola Schools community in order to inspire the student body.

Sanggunian President
Written by: Quiel Quiwa | August 21, 2019

Sa tuwing pumupunta ako sa Gesu, naaalala ko kung paano ko iniyakan lahat ng college-life struggles dito, mapa-acads man, org work, o love life. Dito kasi ako pumupunta ‘pag hindi ako sigurado, ‘pag kailangan ko lang kausapin sarili ko, o kaya magdasal sa Diyos.

In retrospect, madali kasing isipin ang mga naging struggles mo kasi nalagpasan mo na. Pero kapag pinagdadaanan mo pa lang, mapupunta ka sa point na feeling mo wala ka nang pag-asa. Nahihiya man ako sabihin, pero ito yung naramdaman ko noong bumagsak ako sa dalawang major subjects ko sa Engineering. Palagi nilang sinasabi na normal lang naman bumagsak, na talagang mahirap ang course ko. Pero iba kasi talaga ‘yung pakiramdam pag nandoon ka sa mismong sitwasyon. Grabe ‘yung iniyak ko noon. Pero kapag tinitignan ko rin naman, ni-retake ko lang ‘yung mga subjects na ‘yun, tapos in the end, naging okay naman lahat at andito tayo ngayon. Kaya ‘yun na lang ‘yung palaging iniisip ko. Two, three, o kahit five years from now, paano ko kaya makikita ‘yung mga naging struggles ko?

Siguro ikukwento ko na lang na noong December, first time may nagpropose sakin na what if tumakbo ako bilang Sanggu President. Yung initial reaction ko, “Ha? Bakit ako?” Simple lang naman plano ko noon eh. Tatapusin ko lang ang pagiging president sa ENTABLADO, tapos sa fifth year, magfofocus na ‘ko sa engineering at aarte na lang ako sa teatro freely. Pero, noong tinanong ako kung what if tumakbo ako since isa ako sa mga non-graduating org presidents noon, parang yumanig talaga ‘yung mundo ko. Kumbaga, komportable na ‘ko noon at na-set ko na ‘yung mga plano ko tapos biglang nagbago ‘yung ihip ng hangin. Dapat sa fifth year magpapahinga muna ako from all the leaps of faith I took in college, pero bigla akong napaisip dahil dito—isang lundag pa.

It was a really long discernment process kaya nagstart na rin akong magtanong sa sarili ko. Teka muna, bakit ba kasi ako? Kaya ko bang i-handle ang ganito kalaking responsibility? Yung ganitong scale of service? Bakit biglang may mga ganitong tanong sa buhay ko, Lord?  Kasabay ng mga tanong na ‘to ‘yung lahat ng pressure ng seniors’ finals, pagiging org president, at pagiging actor sa production namin. Kinailangan ko ng space para huminga, both physically and emotionally, at sa Gesu ko nahanap ‘yun.

Dumating sa punto na feeling ko trapped ako. Kung humindi ako sa tawag, may posibilidad na pagsisihan ko. Kung um-oo naman ako, hindi ko alam kung ano ‘yung mangyayari kasi talagang nakakatakot. In the end, inisip ko na lang, ano ba ang mas gusto ko? ‘Yung pagsisisihan ko o ‘yung hindi sigurado? Doon na lang ako sa hindi sigurado, kasi kahit papaano may posibilidad na mabuti ang kalabasan. Ito ‘yung naging point of discernment ko, pero hindi pa rin ‘yun naging sapat.

Dito sa Gesu, narealize ko na hindi talaga makukumpleto ang discernment kung walang prayer. Na-try ko na siguro lahat ng logical ways para maintindihan ang mga struggles ko at malaman kung ano yung pinaka-praktikal na pwedeng gawin. Pero, natutunan ko na kahit gaano pa kahalaga ang logic, hindi pala sapat iyon pagdating sa discernment. Lagi tayong tinuturuan ng Magis, na ‘yun ang more loving option, na hindi lang siya kung gaano karami ang kaya mong gawin kundi kung gaano rin kalalim ang kaya mong ibahagi sa iba mula sa sarili mo. Sa karanasan ko, madalas na lumalagpas sa konsepto ng logic ito.

Ang dami kong sinabi kasi ang hirap ikuwento kung ano yung greatest struggle ko. Pakiramdam ko kasi, pinagdaraanan ko pa rin siya ngayon. Pero sa lahat ng naging struggles ko, natutunan kong ihandle ang mga ‘to nang hindi lang puro isip, pero may damdamin din. Pag logic lang kasi ang ginamit, talagang mafe-feel mo na trapped ka at some point, at mas mahirap lagpasan ang ganoong pag-iisip. Mapapagod ka, mabuburn-out. Nasa class ka, nag-iisip ka. Sa org work, nag-iisip ka. Paano gagawin ‘to, paano sosolusyunan ‘yan. Masyado na tayong nag-iisip sa lahat ng ginagawa natin. Kulang tayo sa “okay, pahinga ka muna. Damdamin mo muna.”

Minsan, mas okay na kumalma ka lang. Hayaan mo lang na maramdaman mo muna ang lahat ng nararamdaman mo --- damdamin mo lang muna ‘yung struggle. May lalabas at lalabas na paraan para malampasan mo ang mga ‘yan, at may mga lugar tulad ng Gesu na nagbibigay sa atin ng space to breathe.

Naalala niyo ba ‘yung mga kuwento tungkol kay Kristo? Ang chill niya! Paboritong kuwento ko ‘yung nasa gitna sila ng dagat tapos bumabagyo, nagkakagulo ang mga disciples, kabang-kaba na baka malunod sila. Sabi ni Hesus, “Bakit kayo natatakot? Hanggang ngayon ba wala pa rin kayong pananampalataya?” na para bang sinasabi niyang “Guys, kalma lang. Magtiwala kayo!”

‘Yun ang attitude na gusto kong dalhin sa lahat ng struggles at ‘yun din ang style ng leadership na gusto kong i-embody sa Sanggunian. Gusto ko maging effective enough na masasabi ko sa mga tao na guys, huwag tayong kabahan. Kaya natin ‘to. Magagawan ‘to ng paraan. ‘Wag matakot.

Kalma lang tayo. 

— Quiel Quiwa
#OurSanggu
#KalmaLangTayo

See you at the Red Brick Road on August 27-30 as we rise up and #TraverseTheUnknown with Sanggu this COA Recweek 2019: Orbit.

#RecWeekOrbit2019

You may follow Humans of Ateneo on Twitter and Instagram through @humansofateneo.

Photo by Rachel Peralta
Layout and Post-processing by Sean Valencia
Transcript by Gabriella Mara, Nicole Namoco, and Nadine Altavás

Sanggunian President

"Masyado na tayong nag-iisip sa lahat ng ginagawa natin. Kulang sa 'okay pahinga ka muna. Damdamin mo muna."

READ THE NEXT ARTICLE

JB Bejarin